Tungkol sa BitTorrent
Ang BitTorrent Limited, ay ang kumpanya sa likod ng pinakamalaking decentralized na P2P communications protocol para sa pamamahagi ng data at malalaking file sa Internet. Noong ipinakilala ang BitTorrent, binago nito ang mundo ng file sharing sa pamamagitan ng pagpapabilis ng mga pag-download para sa mga indibidwal na user at organisasyong nangangailangang mag-transfer ng maraming data. Bago ang BitTorrent, sinisimulan ang mga pag-downlaod ng file mula sa isang centralized na server o isang user (isang peer), na nagreresulta sa mababagal na pag-download. Tinugunan ng BitTorrent protocol ang limitasyong ito sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa pag-download at pag-upload ng mga file sa pagitan ng maraming user. Milyon-milyong user ang nagsimulang gumamit sa BitTorrent protocol para mag-download at mag-share ng mga file, at sinimulan ng mga kumpanyang gamitin ang protocol para mamahagi ng data nang mas mabisa. Sa ngayon, ang BitTorrent protocol ay nasa likod na isang malaking porsiyento ng Internet traffic sa mundo kada araw. Hindi lang ito ang pinakamalaking Peer-to-Peer network, ito ang pundasyon ng Web3, at isa sa pinakamalalaking pandaigdigang komunidad sa Internet. Patunay ito na ang teknolohiyang ito ay mas lalo pang makabuluhan, matatag, at ngayon ay binibigyang-buhay ng kapangyarihan ng blockchain.
Sa kasalukuyan, nagde-develop ang kumpanyang ito ng mga produkto para sa dalawang brand, sa BitTorrent (https://www.bittorrent.com) at sa µTorrent (https://www.utorrent.com), na nag-aalok ng mga sikat na torrent download client para sa Windows, Mac at Android. Na-download na ang mga application nang mahigit 2 bilyong beses.
Malapit nang palawigin ng kumpanya ang mga use case ng mga decentralized na protocol nito sa pamamagitan ng paggawa sa susunod na henerasyon ng teknolohiya ng live streaming. Babaguhin nito ang hubog ng industriya sa pamamagitan ng paggamit sa matatag na pandaigdigang P2P network ng kumpanya para makonekta ang content creator nang direkta sa audience nila nang hindi nangangailangan ng centralized na platform.